Sa aking Anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag
dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng
sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang
isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag
mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag
mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo
o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag
mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan
mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang
sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako.
Huwag mo sana akong pagtatawanan o
pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan
mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yong
sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang
gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na
rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong
piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan,
huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa?
pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon,
magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik
na sabik na akong makakwentuhan ka,
kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan
mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako
man ay maihi o madumi sa higaan,
pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag
dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay
at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At
huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana … dahil naging mapagmahal
ka sa iyong ama’t ina…
Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

2 Comments
Comments feed for this article
June 7th, 2009 at 9:37 pm
gemma
jal nakahilak ko sa sulat na to…laina oi…
November 19th, 2009 at 10:25 pm
renka rivera nuestro
nakakaiyak yan
lam mo MAY nanay ako NAMATAY sya APRIL 6 2009
namimiss KO na SIA talaga KASI
sya LANG ang UMIINTINDI sa nararamdaman ko
sya lang ANG lagi kong KAHARUTAN ngunit
nagyun WALA na
ALAM mo SALAMAT sa GAWA mu NAIIYAK ako KADA binabasa KO ITONG gawa MU . . . .